Sa nagtatanong po ng gastos sa Transfer ng Titulo:
1. Kung kayo po ang Buyer at net ang usapan, ibig sabihin babayaran nyo din ang Capital Gains Tax at Docs Stamps, plus transfer fees, registration fees 9% lang po ng amount na nasa deed of sale ang babayaran ninyo. Yan po ay kung alin ang mataas sa zonal value. Kung mataas ang zonal value sa nakalagay sa Deed of sale, yong sa BIR po na amount ang susundin. Kung mababa naman ang zonal, yong nasa dokumento.
Huwag po kayong babayad ng sobra. Sa paglakad po, kung sisingilin kayo P15,000 to P25,000 lang po lalo kung maliit lang naman ang halaga ng nasa dokumento
Halimbawa:
Amount sa Deed of Sale : P120,000 x 9% = P10,800 lang po lahat. Hanap po kayo ng murang notaryo. Pag ganyan po, mahal na ang P1,000.
eto po ang Breakdown:
CGT – 6%
DST – 1.5%
Transfer tax .5%
Registration new title – .6%
May allowance na po yong 9% para sa notaryo at gastos ng certified true copies. P100 lang po ang mga certified true copy ng TD at tax clearance
Ang certified true copy po ng title depende sa dami ng pages pero malaki na po ang P1,000 sa isang titulo. Karaniwan po P300+ lang.
Plus service fee kung di kayo ang maglalakad. Pag ganyan lang po, malaki na ang P15,000 lalo kung di naman malayo yong lugar kung saan yong lupa.